Home » » Philippine Navy Ship Hinabol ng Chinese Coast Guard

Philippine Navy Ship Hinabol ng Chinese Coast Guard

Written By Real Kevin Jay on Wednesday, March 11, 2015 | 10:22 AM

Barko ng Pilipinas, hinabol at inikutan ng 2 barko ng China

Sinubukang itaboy ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang isang supply vessel ng Philippine Navy na papuntang Ayungin Shoal.

Lulan ng barko ang suplay ng pagkain para sa mga sundalong nagpapatrolya sa Ayungin, na bahagi ng teritoryong pinag-aagawan ng Pilipinas at China.

Bitbit din ng Philippine vessel ang limang gitarang ipinadala ng musikerong si Joey Ayala at mga kapwa artista, na mapaglilibangan ng mga sundalong nakatalaga sa Kalayaan Island Group.
Sinalubong ang supply vessel ng naglalakihang barko ng Chinese Coast Guard na lagi nang nakikitang nagpapatrolya sa bahaging sa West Philippine Sea.

Hinabol ang barko ng Pilipinas ng dalawang barko ng China, pinaikutan at pinatunugan ng wangwang para umalis.

Pero hindi gaya ng nangyari noong isang taon, hindi na humarang ang barko ng China sa daanan ng mga Pinoy ngayon.

Dinikitan ng mga ito ang barko ng Pilipinas hanggang hindi na nila kayang pumasok sa mababaw na tubig.

Nakarating naman ang barko ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre kung saan nakahimpil ang mga sundalong Pilipino.

Matapos batakin papalapit ang supply vessel, isinuot ng mga sundalo ang kanilang uniporme at saka nagbigay-pugay sa bandila ng Pilipinas. (DZMM)

0 comments:

Post a Comment

Followers